On Gatekeeping Fandoms
My "On X" Blog posts are my way to archive some thoughts I had in the past, usually posted somewhere else, and which I decided to compile here for some reason.
Originally written on June 11, 2016
"Di ka naman tunay na fan ng Game of Thrones eh. Di mo naman nabasa yung libro. Nanonood ka lang para makita boobs ni Khaleesi. Sige nga kung tunay kang fan, anong pangalan ng mga dragon ng mga sister-wives ni Aegon the Conqueror?"
"Weh mahilig ka sa running? Di ka naman tunay na runner eh. Naka sub-1 ka na ba sa 10km? Tumatakbo ka lang naman para makakain ng marami pagkatapos eh. Kung tunay kang runner, ano ibig sabihin ng ITBS?"
"Hindi mo naman matawag sarili mo na hiker eh. Nag-BMC ka na ba? Sige nga enumerate mo yung LNT principles. Umaakyat ka lang naman para maki-uso sa pictures sa facebook eh. Takot ka naman sa limatik at putik eh."
Hear that? Ganyan ang tunog niyong mga elitistang fans. Hindi lamang sa Basketball, pero pati sa comics, at sa iba-iba pang larangan ng pop culture. Sure you may know more than us, but that doesn't give you the right to stop us from enjoying the same things as you. So why not instead of hating on those "bandwagoners" and "fairweather fans", let us educate them on the things we are passionate about. Lahat naman tayo nag-eenjoy dapat, diba?
TL;DR. Lawakan ang pag-iisip, mga doods. Intindihin na iba't iba ang dahilan ng mga tao sa pagiging fan ng mga bagay.