On ignorance is bliss
Originally written on: Unknown, before June 19, 2019
Ignorance is bliss.
Minsan talaga iniisip ko na lang na sana bobo na lang ako at uto-uto. Na sana manhid na lang ako sa kagaguhan na nangyayari sa bansa. Para kahit palubog na ang ekonomiya, kahit andaming inosenteng namamatay, kahit andaming batas na nilalabag, e masaya parin ako.
Siguro ang saya rin manirahan sa pantasya ng mga taong ignorante. Na kung ano ang pinaniniwalaan nila, yun ang totoo at wala nang pwedeng magbago. Ang hirap nga naman na aminin na mali ka at kelangan magbago ng pananaw. Ang hirap rin sabihin na nagkamali ka ng iniidolong presidente (hindi ako Dilawan, I didn’t like PNoy or the others before him. I don’t put my faith in one president).
When the foundations of your values are questioned, of course, the more you cling to them. Just like in the matrix, some would prefer the false paradise than face reality because changing real life takes much more effort. Ignorance is convenient.
Sana naniniwala na lang ako na ang TRAIN law ay nakakatulong. Sana naniniwala na lang ako na ang pagbagsak ng Peso ay sinyales ng pag-uunlad ng ekonomiya. Sana naniniwala na lang ako na competent si Mocha, Sana naniniwala na lang ako na lahat ng namamatay ay guilty na drug dealer. Sana naniniwala na lang ako na si Marcos ay isang bayani.
Pero sana mapagod na rin tayo sa pagiging ignorante. Sana kahit mahirap hanapin ang katotohanan ay hindi tayo sumuko. Sana gumising na tayo at tanggapin na hindi kumpleto ang ibang pinaniniwalaan natin. Sana sumikap tayong baguhin ang pananaw natin at iayon ito sa tama at ikabubuti ng lahat. Sana magising tayo sa katotohanan na huwag iasa sa isang tao lang ang pagbabago. Nasa isa’t-isa sa atin ang susi ng pagbabago at sana ay alam nating lahat iyon.